munching tomi corn chips.
#childhoodfavorite
Kung maingay ang McDonald’s dahil re-opening nila,
bakit nagiingay din ang kapitbahay?
Baka may free burger din sila pantapat sa free BigMac! :))
BREAKFAST!
McDonalds La Salle Taft re-opened today!
I got a free BIG MAC for being the 69th customer :)) whoa!
Hindi ito ang unang pagkakataon na ako’y nagtungo sa Tagaytay, ngunit subalit datapwat, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ako’y namalagi doon nang maghapon ng nag-iisa’t walang ibang kasama. Sa mga tanawing aking pinagmasdan sa buong maghapon, napakaraming emosyon at mga palaisipan at tumambad sa aking harapan na pilit kong hinanapan ng mga kasagutan. Hindi ko piniling mapag-isa sa pagkakataong ito dahil sa ako’y nag-eemo bagkus, binigyan ko lamang ang aking sarili ng panahon upang makalma, makapagnilaynilay, at makapagpahinga mula sa napakaraming mga bagay na nangyayari sa aking buhay. Pagsapit ng tanghali, naging mailap sa akin ang magandang panahon at tila biglang nanangis ang kalangitan na nagdala sa akin sa mas malalim at emosyonal na pagiisip. Malamig na ang ihip ng hangin, at ang paligid ay natakpa’t naitago ng hamog ang lahat ng aking tanawin na akin namang ikinatuwa sa di maipaliwanag na dahilan.
Natuwa ako sa araw na ito, napakasaya. Salamat Lord!